?

Log in

No account? Create an account

Previous 10

Feb. 4th, 2016

inside

4 Pebrero 2016 22:43

Kumusta Rona,

  Sisimulan ko na. Kumusta? Nandito ngayon nagbabakasyon ang aking auntie, at ang anak niya. Nagbabakasyon sila, pero tatlong araw lang. Ang malaki kong problema ngayon ay paano ako mag-isip nang di kasama si nanay ko, dahil kasama ko siya kahit sa pribado kong isipan. Paano ko siya mapapaalis?

  Tuloy pa din ang tsismis tungkol sa nangyaro noong ika-2 nang Pebrero. Sa isipan ko, ano bang gagawin ninyo diyan, isusulat ninyo? Hindi naman masama ang matsismis, mabuti pa nga, dahil may kasabihang "No publicity is bad publicity". Kaya pinapabayaan ko lang sila. Ako ang nasa tsismis ngayon. Mabuti na lang ay may pinagkakaabalahan ako sa buhay ko, itong talaarawan ko. Kung hindi, nabaliw na ako!

  Nagbasa ako nang Biblia bago ako pumasok nang ika-2 nang hapon. Hinihintay ko ang pagbabalik ni nanay mula NAIA, kasama sila tita ko mula sa Japan. Umuwi ako ika-2 nang hapon, at natulog. Tumulong ako sa paglilinis nang trabaho sa kisame sa harapan. Pumasok na ako nang ika-6 nang hapon. Gumawa kami nang server, at client sa Virtual Box, para sa aming aktibidad sa CS 342. Pagtapos ay umuwi na ako. Sakay lamang ako nang dyip. Malakas ang biruan sa loob nang klase. Ako ang pasimuno, at maingay. Sa bahay, di ko naabutan sila tita. Kumain muna ako nang letchon, at pumunta sa silid sa hotel nila sa Water Leaf Inn. Nakita ko si Masato. Di ko siya binati. Di ko pa din alam kung maiintindihan niya ako. Nagkaroon kami nang di pagkakatintindihan simula pa noong nagbakasyon sila noong 2007. Hindi ko na siya kinausap mula noon. Kaya siguro ako nasiraan nang bait. Di siya nagsasalita nang tagalog, pero nakakaintindi. Mabuti pa din na makapagsalita siya nito, kahit ingles di niya kayang sabihin. Paano ko siya kakausapin? Paano ko malalaman na naiintindihan niya ako? Basta. Kailangan ko na lang magtiwala na naiintindihan niya ako. Dahil kung hindi ako magtitiwala, anupa itong wika ko kung di ko gagamitin?

  Si Centel kanina, wala siya sa sarili niya. Mula noong simula ko siyang nakilala, nagbago na ang kanyang ugali. Di ko alam kung ako ang dahilan nang kanyang pagbabago. Siguro dahil ay kilala ko si Farah, may nakita akong litrato nila sa Facebook.

  Nakakainis lang. Naaalala ko noong kinukuhanan ako nang video ni tita ko sa beach. May sinabi ako, at ang manga kuha sa akin noong bakasyon nila noong 2007, ay puro katatawanan, o kahihiyan, sa akin. Binati ko ang Japan sa isang kuha sa akin. "Hello Japan" at simula noon, nahihiya na ako. Ewan ko kung bakit. Kailangan kong itigil ang pag-iisip, at pagkokonek nang manga bagay na kinahiyaan ko, sa manga nangyayari sa akin ngayon. Walang kinalaman ang nakalipas sa kasalukuyan, bukod sa napagdaanan ito nang panahon.

  Sana mag-usap kami ni Masato. Sana magkaroon kami nang koneksiyon. Sana bigyan niya ako nang kaibigan. Sana maging kaibigan ko ang pinsan ko.

Kaibigan mo,
Aaron Lucero

inside

Answer for question 4607.

What is your home setup for entertainment technology? Are you the one with the massive TV with theater surround sound, every Netflix/Hulu service out there, and all the latest gaming devices? Or do you have a more basic setup because that's all you need? If you could get one additional entertainment device or service at no cost to you, what would you choose?
I have only internet tv, and pc at home. It's all I need. I watch sermons online. I would like netflix for free service.

Feb. 3rd, 2016

inside

3 Pebrero 2016 21:15

Kumusta Rona,

  Nabasa ko, at narinig ang kahulugan nang "holy". Different from the world. Wow. Kung alam ko lang ito dati pa, sana matagal na akong nagpakabanal. Sana nagbasa muna ako nang diksyunaryo. Pasensya na. Maraming itinatago sa akin ang Panginoon. Dahil marami ang makasalanan sa mundo, marami Siyang pangitain para sa manga mananampalataya Niya. Nagpapakita Siya nang manga milagro. Manga bagay na ako lang ang nakakakita. Minsan hindi ko naiintindihan, madalas Siyang magpakita sa akin nang manga bagay na hindi ko kaagad naiintindihan, pero kapag inisip, may kinalaman sa buhay ko ang pinapakita Niya. Wala akong pananampalataya noon sa Kanya, kaya hindi ko siya naiintindihan, pero ngayong mayroon na akong tiwala sa Diyos, naiintindihan ko na ang manga pinapakita Niya sa akin. May natutunan ako ngayong araw na ito. Dahil nga itong ating katawan ay ang templo nang Diyos, madalas Siyang nagiimpok nang manga "muwebles". Dahil sa atin Siya naninirahan, kailangan Niya nang manga muwebles, para mapagaan pa ang Kanyang pananatili sa katawan, halimbawa sa akin. Iba ang muwebles ko kumpara sa ibang tao, dahil magkakaiba ang tao, dahil banal tayong lahat. Pareho tayong lahat, ngunit magkakaiba. Ang iba, ay unti-unting nagiging karaniwan, ngunit palaging mayroong panibago, kakaiba na nagagawa, dahil sa ating Panginoong Diyos. Dahil dito, hindi nawawala ang pag-asa, hindi nauubos ang kapangyarihan nang Diyos.

  Pumasok ako sa dalubhasaan, ika-12 na nang tanghali ang klase ko. English. Napag-usapan namin ang Masturbation, at Incest. Nakakahiyang sabihin, pero mabuting nasasabi ang manga nilalaman nang isip, nang sa gayon, hindi ako mag-isa sa aking manga iniisip, mayroon nag-iisip nang aking iniisip, at tumutulong sa pagpuksa nang kasalanan. Sumunod ang Rizal. Pinagsulat kami nang natutunan namin sa webcast namin kahapon. Pagtapos ay sumulat pa ako nang "reflection" nang aming natutunan sa seminar tungkol sa Women's rights, sa Columban College. Ika-4 nang hapon, umuwi ako nang bahay, at kumain, at natulog. Kalahating oras pagkatapos nang ika-4 nang hapon, pumasok ako. Sakay ako sa motor na pumasok, ika-5 nang hapon ang klase ko. CS 342, nag-install kami nang Windows 7 sa Virtual Desktop, ika-6 nang gabi na ko nakauwi. Nagulat naman ako kay Najmah (dating Tajmah), dahil sinenyasan niya akong tumabi sa kanya. Umuwi akong luhaan.

  Si Najmah ang iniisp ko kanina. Pero kay Jane ako may kakaibang naramdaman. Sinabi ko kasi na iba siya, dahil banal siya. Di ko alam kung anong kinalaman noon, maaaring mayroon koneksyon na di ko nakikita. Misteryoso talaga manga babae. Minsan ko na silang napagkamalang diyos, dahil nga sa di ko sila maintindihan. Pero karaniwan ang manga babae. Ito ang alam ko, pilit nilang itinataguyod ang kanilang sarili, na sila ay banal. Ang sa akin lang, alam ko na banal kayo, nakasulat ito sa Biblia, pero sana huwag na nila kaming pag-isipin, nakakapagod na nga ang trabaho, pag-iisipan pa kami. Iisa lang ang gusto nang manga babae, ito din ang gusto nang manga lalaking napapanood ko sa pelikula. Kaya hindi sila banal. Pero may manga babaeng nagbubukod-tangi. Sila iyong manga babaeng may balat nang karaniwang babae, ipapakita lamang nila ang kanilang katangian kung alam nilang banal ka, banal sila.

  Tinatawanan ko lang kanina ang manga kasama ni Ezekiel. Hindi ko alam ang pangalan niya, pero parang hindi makasalanan ang sinasabi niya, pero hindi mo malalaman na makasalanan siya, dahil pagiging bata ang ipinapakita niya. May manga tao talaga, nakakatawa.

Kaibigan mo,
Aaron Lucero

inside

Answer for question 4606.

What's the most fun you've had in the last year? What were you doing, and who were you with? Why was it such a great time?
I was with my friends in high school, and we went trick or treating. As you all know, halloween is not celebrated in the Philippines, and we call November 1, All Saint's Day, not Souls. It was first time trick or treating. Met foreigners, and drank after. It was my birthday as well! It was fun!

Feb. 2nd, 2016

inside

2 Pebrero 2016 22:14

Kumusta Rona,

  Iibig ka kaya, kung makasama ka nang bayaring-babae? Kinikilig pa din ako, habang iniisip ko ang nangyari kahapon nang gabi. Di ko maalala ang pangalan niya, pero may nararamdaman akong kiliti kapag nakikita ko siya sa aking manga alaala. Napakaganda nang ginawa nang Diyos, bakit ngayon ko lang nararanasan ito? Dapat na ba akong mag-asawa? Iniisip ko ang buhay kapag nag-asawa ako. Pangarap ko yatang magkapamilya. Pinangarap ko na. Napakasarap sa panaginip, paano pa kaya kung mangyari nga! Gustong mangyari sa akin ito, kailangan ko lang magtiwala. Kinausap ko si Matt kanina, tungkol sa manga bagay na banal. Nagbibiruan kami sa loob nang silid-aralan, sa webcast, pinag-uusapan namin itong propesor ko sa e-learning. Kung anu-ano ang pinagtawanan namin, at naririnig ko ang manga tao sa likuran namin ay nakikitawa sa amin. Tinanong ako kanina nang Uncle ko tungkol sa nangyari sa akin kagabi. Mali ba na sabihin ko ang nangyari? Dapat ko nang itigil ang pagiging maginoo, dahil hindi naman ako ganito. Sawang-sawa na akong magpanggap.

  Naririnig ko ang manga nagtsitsismisan. Pinagkekwentuhan nila ako. Ang iba nakikinig lang, hindi nila alam na ako ang pinag-uusapan nila. Tinatawanan ko na lang sila. Sino ba ako para pag-usapan? Inalala ko na lang ang kahalagahan nang salitang "holy is to set apart". Paulit-ulit ko itong sinasabi sa aking isipan "di-karaniwan", hanggang sa may makita ako sa aking isip na manga bagay na di-karaniwan na parang tinawag ko ang manga ito para lumapit. Hinahayaan ko lang sila sa kanilang pakikipagtsismisan, hindi sila magiging banal sa pakikipagtsismisan nila. Karaniwan ang tsismis, pero ang pananahimik ay di-karaniwan, kaya ito ay banal. Mukha na akong abnormal kakahintay nang klase ko kanina nang ika-5 nang hapon. Nakaupo ako sa labas nang dalubhasaan, naghihintay nang klase ko, nakatingin sa manga dyip. Napadaan ang maraming tao, hindi ko pinapansin. Walang laman ang aking manga mata, nakatingin sa hangin. Mabuti, at walang nakakakilala sa akin doon.

  Di na ako nakapag-aral nang Salita nang Diyos. Pumasok ako nang ika-2 nang hapon, Life And Works Of Rizal, at sumunod ang FILI 102, sumunod ang CS 342, at huli ang CS 379. Gumawa lang kami nang imaginary program sa yellow pad sa CS 379 namin. E-learning ang Rizal, at Filipino. Walang klase sa CS 342. Mabuti, nga't napapanatili nila ang kanilang trabaho (ang manga propesor na hindi pumapasok), kahit na di sila pumapasok. Ang hirap pala magtagalog. Nakinig ako nang Filipino kanina. Gustong-gusto ko ang nagtuturo, purong tagalog ang kaniyang sinasabi. Napipiyok na siya, at halatang nagkakamali, pero ang maganda sa kanya, hindi siya tumitigil sa pagtuturo. Kaya ako nahilig sa kanyang klase.

  Niroromansa ko ang nagtuturo sa e-learning kanina. Kahit na di niya ako naririnig, at nakikita, nararamdaman ko na may nararamdaman siya para sa akin. Sa manga piyok, at pagtaas, at pagbaba nang kanyang boses, nahahalata ko na ako ang tinatawag niya.

  Naiinis ako kay Matt. Pagkatapos ko siyang ilibre kanina, inalisan ako, hindi man lang nagpaalam. Kakasabi ko lang sa kanya na karaniwan ang kasalanan. Pero pinili niya akong saktan. Maraming di pumasin sa akin kanina. Siguro kung nagsuot ako nang pajama, at nagsuot nang pekeng ilong, at make-up, ay maraming pumansin sa akin.

  Masayang-masaya ako, dahil may water heater na kinakabit, at bukas matatapos na ang pagi-install nito, may wireless keyboard, at mouse na ako. Marami na akong gamit, kulang na lang ay cellphone. Kung may cellphone ako, makukumpleto ko na ang gusto ko.

Kaibigan mo,
Aaron Lucero

inside

2 Pebrero 2016 2:28

Kumusta Rona,

  Nagsiping kami nang isang babae ngayon. Di ko man lang naalala ang pangalan niya. Pero alam mo, di ako masaya. Alam mo kung bakit? Di ko gusto ang ginawa ko. Masaya ako sa piling nang Panginoon, at doon lamang. Kanina natutunan ko ang kahulugan nang salitang "banal". Ang holy pala ay "to set apart". So, ang manga banal na tao na manga anak nang Diyos ay manga taong ihiniwalay nang Diyos sa lahat, itinabi. Sa tingin mo ang ginawa ko ngayong gabi ay ginagawa nang isang may-buhay na isinantabi? Ginagawa lamang ito nang taong-mapagsamantala. Inaamin ko may kasalanan ako, makasalanan ako, dahil tao ako. Pero sa oras na malaman na isinantabi ka, para sa manga bagay na paggagamitan ka na mahalaga, maiisip mo na mahalaga ka pala. Isinantabi ka nga, dahil may paggagamitan pa sa iyo na mas mahalaga sa nangyayari ngayon. Isa kang kagamitan. Para sa isang trabaho, na ikaw lamang ang makakagawa. Ang punto ko ay banal ako, pero gumawa ako nang di-banal na gawain, mapapansin kaya na ako ngayon? Tiyak! Pero hindi sa inaasahan ko, o sa gusto kong paraan. Masama ang sanlibutan. Dinisenyo ang sanlibutan para saktan ka. Totoo ito. Kanina ko pa iniisip, paano ko makukuha ang gusto ko? Palaging may balakid, at sa bawat balakid, malusutan ko man, madadagdagan pa, at sa bandang huli, wala ka nang babalikan, at ang magagawa mo na lang ay laktawan ang balakid, o manatili sa kung saan ka iniwan. Di ako nakukuntento sa kung saan ako iniwan, ay mananatili ako. Minsan nang sinabi sa akin, na kung saan ako iiwan, doon din ako babalikan. Hindi ako naniwala. Si nanay ko ang nagsabi sa akin noon. Maraming beses kong sinubukan makipag-flirt. Tumutugon naman siya, pero sa huli, hindi ko siya nakuha. Isinantabi ba siya nang Diyos? Maaari. Naniniwala ako. Pero marami siyang sinabi sa akin, na kasinungalingan, napaka-karaniwan, hindi banal. Ano ba naman ang matatagpuan ko sa lugar na iyon, kundi manga bagay na hindi banal? Pero ang inaasahan ko ay sana may kaunti siyang pagiintindi. Siguro tinuturuan niya lamang ako na dapat nagpahinga na lang ako. O baka lumulutang lang ang isip nang babaeng iyon, gusto lang akong lasingin. Pero ang manga hawak niya ay totoo. Hindi ko makakalimutan. Sa club, kapag nag-table ka nanga babae, karaniwan na hawakan ka sa binti. Pero iba ang hawak niya, may pinagsamahan naman kami, kinausap ko siya, tinanong nang manga gusto niya, at di niya gusto. Gusto sigurong mag-preach nang babaeng iyon. Ano ang ituturo niya sa akin? Wala siya sa lugar! Sa bandang huli, sa ibang babae ako napunta. At naging kaibigan ko siya. Hindi ako papayag na hindi ko masulit ang oras. Ginawa ko ang lahat para mapalapit sa babaeng ito, kinausap ko siya, tinanong manga walang kwentang tanong, bago namin ginawa. Pero ang isip ko ay nasa iba. Masaya siya, ako hindi. Maaaring nagsisinungaling siya, marami sa mundo ang sinungaling, o maaaring nag-iisa lang, at marami ang totoo. Anuman ang totoo sa dalawang ito. Kinabahan ako. Iniisip ko siya, baka napipilitan lang siya, pero sige lang ako. Wala akong masabi sa kanya, dahil kaibigan ko na siya.

  Tinanong ko si kuwan, ang babaeng nakasama ko, tungkol kay Angel. Totoo naman daw ang sinasabi niya. Napanood ko na ito. Magkakapatid ang manga babae sa bar. Maaaring sinasabi niya lamang ito, dahil hindi siya dapat makialam sa kanya (kay Angel). Siyangapala, Denise ang pakilala sa akin ni Angel, pero Angel ang inilagay niya sa aking cellphone. Bakit niya ginawa iyon? Ayaw ko nang malaman. Pero nahihilo lang ako sa dami nang kasinungalingang narinig, o di ko narinig ngayong gabi, at umaga. Siguro ang mali ay ako, at di sila. Bakit ba kasi ako naghahanap nang pag-ibig sa lugar na iyon? Nanalangin pa ako kanina, dahil ayaw kong magkasala.

  Ika-7 pa lang nang umaga, gising na ako. Kumain muna ako, at pumunta kami sa Philhealt upang magparegister ako. Dinala namin sa Yamaha ang motor, pagtapos kong magregister. Pumasok ako nang 12:30, late. Uwian, dumaan ako nang Yamaha, upang tingnan si tatay kung natapos na gawin ang motor. Di pa tapos. Bukas babalik pa kami. Pero gawa na ang ignition, at headlight. Bukas ang brake. Bumili kami nang water heater, pero bukas pa i-install. Naligo ako, nag-aral nang Salita Nang Diyos, at natulog. Paggising ko, nanood ako nang sermon ni Pastor Prince. Dumating sila Paey, dala ang tv. Pinapasok ko sila. Nanghingi pa si Apey sa akin nang Corned Beef, tumanggi ako, pero ibinigay ko din sa kanya. Kumakain ako nang chocolate, habang nanonood. Pagdating ni nanay ko, sinabi ko sa kanya na ibinigay ko ang corned beef kay Apey, nagalit siya, at nagtalo kami. Natapos lamang, at nanghingi ako nang tawad. Pumasok ako, at walang klase. Pumunta ako nang Ayala, at Sm, dahil naghahanap ako nang tsaa. Wala akong nakita. Umuwi ako sa bahay. May bisita kami, ninong ko daw. Nagmano ako. Uminom sila. Aalis daw kami. Sama ako. Dinala ako sa bar. At nagtable kami. Ang unang tinable sa akin ay si Angel. Denise ang pakilala niya, dahil ayaw niyang may makakilala sa kanya, maaari, di ko alam dahil di niya sinabi. Sakit nang ulo ko, kakaisip nang rason, bakit kailangan niyang magsinungaling. Pinakilala sa akin ang isang babae, at dinala kami sa isang hotel. Wala pang tatlong oras, lumabas na kami. Nagmamadali ang ale. Parang di ko naman napapansin ang ginagawa niya. At pagtapos ay umuwi kami. Naaalala ko pa si Angel, o Denise, anuman ang pangalan niya. Ngumingiti nang asarin ni ninong.

  Romantic? Sa Panginoon ako romantic. Ang Panginoon ang aking mahal.

  Naaasar lang ako doon sa babaeng nakasama ko, hindi man lang ako hinintay na matapos.

Kaibigan mo,
Aaron Lucero

Feb. 1st, 2016

inside

Answer for question 4604.

What's your favorite way to wind down at the end of a stressful day (or even just a regular day)? Why is this activity relaxing for you?
I drink Chamomile Tea. The tea is very relaxing. And i sip a little from time to time, and it soothes me.

Jan. 31st, 2016

inside

31 Enero 2016 21:38

Kumusta Rona,

  Ikekwento ko sa iyo muna ang nararamdaman ko para sa isang babaeng nagngangalang Rhein. Nababaliw na ako. Tuwing dominggo, bago pumunta ako sa iglesya, oras bago ang serbisyo, pumapasok sa isip ko si Rhein. Iniisip niya ako. Pagdating ko sa simbahan, siya ang lagi kong unang hinahanap, si Rhein. Una kasing simba ko sa JTCGCC, siya ang unang bumati sa akin, una kong naisip pa nga ay ang gandang babae, siya ang unang babaeng bumati sa akin sa simbahan. Ngayon parang araw-araw kong nais maramdaman ang umpisa nang pagkakakilala namin. Tuwing simba, hinahanap-hanap ko ang manga nangyari sa amin. Baliw na ako. Sa una, binibiro ko lang sila Edward, ang aking manga kapatid, at naging manga kaibigan sa simbahan. "Uyy, si Rhein, sinong nanliligaw sa kanya?" Sinabi sa akin na si Simon nga. Minsan na nagimbitahan ako na maglaro nang basketbol sa Amapola. Nakausap ko si Simon. At ang unang lumabas sa bibig niya ay babae. Nakikipag-usap siya sa amin tungkol sa babae, at ang nasa isip ko, "nanliligaw ka, iniisip mo ibang babae?". Wala akong karapatan na sabihin kay Rhein ang natuklasan ko, dahil hindi ko siya kalapit, pero kung nalaman niya na nagyayabang si Simon sa akin tungkol sa babae, malamang na si Rhein ang pinagyayabang niya, hindi siya matutuwa. Ang masama pa doon, tsinek ko ang nararamdaman ko, totoo ang pag-ibig ko kay Rhein. Kanina, sumamba ako sa Panginoon, at tinawag ko siya na dinggin ang aking panalangin. Napaiyak na lang ako bigla, at si Rhein, nakita ko na pinupunasan ang manga mata niya, malamang sa luha. Naramdaman ko ang nararamdaman niya, nasasaktan siya. Hindi ako kumibo. Tinuloy ko lang ang pagkanta, at pagsamba sa Kanya. Di ko makalimutan, dahil unang beses kong umibig, at hindi pa ako pinagbigyan. Natutuwa ako na naiiyak ako, sa ganoong paraan naiintindihan ako. Kahit hindi ko na sabihin, alam ko, ramdam nila at nakikisimpatya ang manga tao sa iglesya sa akin. Sobrang lapit niya sa akin, pero hindi ko siya maaaring hawakan. Hindi siya akin, dahil may nakapagsabi sa akin na pagmamay-ari ang manga babae. Tuwing natatapos ang serbisyo sa simbahan, iniintay ko na magbigay sa akin nang signal sa akin, upang lumapit sa akin, kahit na anong paraan na pwedeng kong i-take, para makausap ko lamang si Rhein. Maraming signal, pero sa tuwing nararamdaman ko na gusto ko siyang kausapin, hindi ko siya makita. Nagtatago siya sa akin. At sa tuwing oras na para umalis, at umuwi, nasasaktan ako, alam mo ba kung bakiit? Dahil hindi ko siya nakausap. Hindi ako binigyan nang pagkakataon na kausapin siya. Sa isip ko, bibigyan din ako nang pagkakataon, maghintay lang ako. Naghintay ako. Pero hindi dumating. Hanggang sa nagising na lang isang umaga na hindi ko na siya hinahanap. Dinala ko ang aking atensyon sa ibang manga bagay, dahil hindi siya mawala sa isip ko. Bumili ako nang libro, nagbasa. Nag-aral ako nang Salita nang Diyos. At sa gitna nang aking pagiging busy, natuklasan ko na mahal ko si Rhein. Hindi maaari, sabi ko. Tsinek ko pa sa 1 Cor 13:4-7, 4 Love is patient, love is kind. It does not envy, it does not boast, it is not proud. 5 It does not dishonor others, it is not self-seeking, it is not easily angered, it keeps no record of wrongs.6 Love does not delight in evil but rejoices with the truth. 7 It always protects, always trusts, always hopes, always perseveres. At ang nalaman ko kapag inaalala ko ang verse na ito, narito lahat si Rhein. Tsinetsek ko ang nararamdaman ko para sa kanya, Love is patient, pero hindi ako nagtitiyaga, love is kind, hindi ako mabuti, it does not envy, nainggit ako kay Simon, it does not boast, pinagmamalaki ko na kilala ko si Rhein, it is not proud, mayabang ako., it does not dishonor others, i dishonor Simon, it is not self-seeking, I seek myself while doing this, it is not easily angered, madali akong magalit, it keeps no record of wrongs, naaalala ko pa ang manga pagkakamali sa akin ni Rhein, love does not delight in evil but rejoice with the truth, kuntento ako noong matuklasan ko ang ugali ni Simon. Sino ang niloloko ko? Hindi ko mahal ang babaeng ito. Hindi ko mahal si Rhein. Naiisip ko siya, dahil may manga ilang pagkakataon na napapahiya ako sa kanya, nahihiya ako kay Rhein, at naaalala ko ito. Kaya lang ako nakakaramdam na matinding, anuman ang nararamdaman ko, para kay Rhein, ay dahil pinilit ko ang sarili ko sa kanya. Pinilit ko siyang mahalin, at hindi ito tama. May makulit na parte ako sa aking isip, nangungulit, nauuhaw kay Rhein. Masaya ito kapag naaalala niya ang kasinungaling ginawa ko sa aking sarili na mahal ko si Rhein, at maaari niya din akong mahalin. Tinigil ko nang magmahal, dahil abala, kakausapin ko pa ang babae, "hindi ba pwedeng tinginan lang, iyo na siya?". Ang totoo niyan, gusto ko lang gawing tama ang lahat sa akin, para kay Rhein. Gusto ko siyang ligawan nang tama. Magulo ang aking isipan, buhul-buhol. Kung maaari ko lamang ito ayusin mag-isa, hindi ko kayang mag-isa. Kailangan ko nang tulong. At iyan ang totoo.

  Mabuti ba ako? Hindi ko alam ang nararamdaman ko. Ano ba ang nararamdaman nang isang naheart-broken? Mabibiyak ba nang literal ang puso ko? Masakit na di siya si Rhein ko, at Rhein siya nang iba. Masakit ang walang gawin. Ngayon pa ba ako gagalaw kung kailan may nanliligaw na sa kanya? Hayaan ko na lang siya. Lilipas din iyan. Lahat naman lumilipas, kahit pag-ibig. Masarap alalahanin, pero hanggang doon na lang. Hinding-hindi ko mahahawakan ang kanyang manga kamay. At kung tatanungin ako, hindi ko na kailangang hawakan ang kanyang kamay. Maraming babae diyan na gusto ako. Sa kanila na lang ko ibibigay ang aking puso. Hindi sa kanya, na pumapatay sa akin, kundi sa Kanya na magbibigay sa akin nang buhay. Di nating alam, baka mabuhay muli ang aking puso, matuto akong umibig muli. Pero malayo pa iyon. Di pa din nawawala ang liwanag, palaging may pag-asa. Malay mo bukas, magbago ang lahat, at mapunta siya sa akin. Pero sa ngayon, hindi ko sasaktan ang sarili ko, sa pamamagitan nang pag-iyak sa pag-iisip sa kanya, hindi ko gagawin iyon, mag-iisip ako nang paraan, kung paano ko maibabalik ang puso kong kinuha, at nawala.

  Tsismis? Si Simon, sinungaling. Gusto kong sabihin sa kanya ito, pero paano? Basta kailangan kong sabihin sa kanya ito, kailangan niyang malaman ito, para sa kanya, hindi para sa akin. Ang problema ay paano.

  Gumising ako nang maaga para sumamba. Corporate Worship ngayon. Maraming tao. Umupo ako sa ikatlong hanay, sa kaliwa, sa dulo. Si Rhein, nakita kong umupo sa harapan ko, dalawang upuan ang layo sa akin. Napaiyak siya kanina. Hindi ko napansin na umiiyak din ako. Walang nakakita. Sana walang nakakita. Tinatawag ko ang Panginoon sa tuwing mananalangin ang tao sa harapan, upang marinig Niya ang sinasabi nila. Nararamdaman ko na nakikisimpatya ang manga tao na sa akin ngayon. Hindi ko alam kung dahil ba sa nakita nila akong umiyak, o nairnig nila na kinausap sila nang Diyos, malamang kinausap sila, paano nila malalaman? Pagtapos nang pagsamba, kwentuhan muna sa manga kaibigan ko, manga namiss kong manga kaibigan. Wala si Aaron, di ko siya nakita, siya pa naman ang gusto kong kausapin, lumapit ako sa Media room, binati si Edward. Pauwi na ako, mainit, naglalakad ako, naalala ko si kuya Rj. Bumalik ako nang simbahan, nasa isip ko si Rhein, gumagawa nang dahilan ang taong ito, at itinuturo si Rhein na dahilan. Pagbalik ko, pauwi na si Edward, sabay daw ako. Kinausap siya ni Rhein saglit. Nagulat ako sa kanyang sinabi, pinauwi niya si Edward, dahil ba sa akin? Nakita niya na nayayamot na ako kakahintay, pero kasinungalingan ito. Paglabas ko nakaramdam ako sa loob nang aking dibdib, parang may nagawa akong mali. Patuloy ang aking lakad. Pag-uwi ko sa bahay, kumain muna ako, at natulog. Paggising ko, nag-aral ako nang Biblia, nasa Genesis ako. Nakita ko ang oras, ika-4 nang hapon. Tineks ko si Edward sabi niya nasa jeep siya. Nadaanan ko si tatay, at ang motor, sinakyan ko ito papunta sa SBMA. Naghintay ako doon, sa mini stop, sa manga upuan, matagal kasing magsend ang teks. Hanggang sa naisipan ko na tumawag. Dumaan ako sa Traveller's Hotel, sabay kami ni Edward pumunta sa basketball court. Naglaro ako hanggang ika-8 nang gabi. Habang naglalakad, may nadaanan akong manga Koreana, bumulong ako sa aking sarili, kunwari kinakausap ko sila. Hi, nice to meet you. Tumingin pa nga ang isa sa likuran niya. Hindi malinaw ang aking mata, pero nakita ko na maputing-maputi ang manga babaeng ito, at ang likuran nang isa ay slouched, nakakuba. Wala pa akong Pilipina na nakikitang nakaslouch back, kaya pinagpalagay ko na Koreana ang manga ito. Nagmamaneho ako nang motor, gumagawa ako nang eksena sa aking isipan, kinakausap ang aking sarili. Pag-uwi ko, kumain ako nang mangga, at sisig na luto ni uncle Dennis. Naligo ako,at nagsepilyo.

  Si Rhein, pero lilipas din ito. Kapit muna ako, baka tangayin ako nang bagyo! Mawawala din ang nararamdaman ko para sa kanya. At kung nagsawa na ako kakahintay nang panahon na mawala ito, baka magalit na lang ako balang-araw. Sana hindi dumating ang araw na iyon.

  Simula nang makilala ko ang Panginoon, hindi na ako naiinis, pero sasabihin ko pa din ang manga bagay na nakakakuha nang aking atensyon. Galit ako kay Rhein.

  Hindi ko maintindihan ang aking sarili. Iniisip ko na sandali lamang ito, at lilipas din. Babalik ako sa pagiging normal ko, pero sa oras  makita ko si Rhein, nasisira muli. Ayaw ko na nga siyang tingnan, pero kinaibigan ko siya sa Facebook. Naghahanap ako nang anumang signos na mahal din niya ako. Niloloko ko lang ang aking sarili. Hindi dadating ang panahong iyon. Kailangan kong malaman para sa ikapapayapa nang aking isip. Niloloko ko ang aking sarili, parang si Satanas na pinagsinungalingan pati ang sarili niya. Siguro gusto niya lang matutunan kong magmahal. Siguro tinuturuan niya akong magmahal, pinapakita niya sa akin ang akala niya ako, pero inunahan ko na siya. Nagbago na ako. Hindi na ako ang iniisip niya. Maliwanag na dito.

Kaibigan mo,
Aaron Lucero

Jan. 30th, 2016

inside

30 Enero 2016 20:24

Kumusta Rona,

  Miss na kita. Namimiss mo ba ako? Marahil, hindi. Hindi mo naman ako kilala. Pero gusto kitang sulatan. Alam mo kung bakit? Wala lang, gusto ko lang. Busy ka ba? Di ka tumugon sa isa sa manga liham ko sa iyo? Madali lang naman magsulat. May computer na. Di tulad noon, kailangan pa nang papel, at lapis. Ngayon, electronic na. Di nga lang ramdam. Ramdam ko pa din naman, kahit electronic. Iba ang medium, pero iisa ang layunin, ang kausapin ka. Di naman ako nagbago. Mula noon, ganito na ako, matagal na kitang gustong sulatan. Nagsisisi? Oo, nagsisisi ako. Hindi ako nagtanong. Alam mo kasi, nasa ibang planeta ang utak ko. Kaya kahit kailan, hinding-hindi mo ko maiintindihan. Mabuti na lang, at totoo lahat nang isinusulat ko. Dito mo ko makikilala, sa aking manga sulat. Sumulat ka din, nang malaman mo, nang makilala mo ko. Hindi naman mahirap akong makilala. Sasabihin ko sa iyo ang totoo, kung sino ako. Hindi ako magkukunwari. Dahil ang layunin ko talaga ay maging kaibigan mo, hindi ipahiya ka. Sumulat ka lang, at nang makita mo.

  Alam mo ba, may nakilala ako sa internet, at ramdam ko, parang sinundan niya ako, nang malaman niyang susunduin ko tatay ko kanina. Pumunta siya kanina nang Pampanga, at ito naman akong tanga, balak ko pa siyang puntahan doon, hindi na ako pinayagan, masyadong malayo. At ayaw ko na siyang makita, simula nang maramdaman ko ito. Parang pinapababaw ang pag-ibig, kapag pinilit. Hindi naman kita pinipilit sa akin, kaya nga ako sumusulat para maintindihan mo ako. Wala akong klase ngayon kapag Sabado. Balak pa naming pumunta, at mag-grocery, pero kinuha na ang sasakyan prematurely. Hindi na kami umalis. Ito, iinom ako, umiinom din ang tatay ko, kasama ang aking uncle, at pinsan. Pero ikaw muna ako. Kakausapin kita bago ako uminom (nang serbesa).

  Gumising ako, pagtingin ko sa orasan, ika-5 nang umaga. Ginising ako ni nanay ko. Oras na para pumunta sa Clark, at sunduin si tatay. Oras nang pagbaba nang kanyang eroplano ay 9:10 nang umaga. Naroon na kami bago pa namin siya inabangan. Ibig kong sabihin ay dumating kami na wala pa si tatay, at naghintay pa kami nang ilang minuto bago kami nagkita. Natulog ako nang sobrang saglit, at paggising ko naroon na kami, sa Clark International Airport. Pagpunta namin sa kung saan lalabas ang manga pasahero nang eroplano, nadaanan kami nang ilang manga stewardess. Manga hostess nang eroplano. Manga dayuhan sila. Mapuputi ang balat, at ginto ang buhok. Naaalala ko pa na tumingin ako sa isa doon, at nagsalita siya, tungkol sa nasa isip ko kamakailan lang. SIguro napansin niya akong tumitingin sa kanya, at ayaw niya akong isnobin, ewan ko. Iba ang manga dayuhang babae sa manga Pilipina. Kapag ayaw kang pansinin nang isang pilipina, di ka talaga niya papansinin, masaktan ka kung masasaktan ka. Isa sa manga dahilan kung bakit di ako makapag-asawa. Di ko matiis ang ugali nang babae dito sa Pilipinas. Mas mayabang pa sa akin. At mayabang na ako! Kumain kami sa Shakey's sa loob nang SBMA. Nakita ko doon si Sarah? Kaibigan nila Charles, nakilala ko lang sa kanila. Maingay ako sa loob nang restorant. Panay ang sigaw ko, at kausap kay Michael, ang bunso nang pinsan kong si Michael, tukayo sila nang anak niya. Kumain kami nang pizza, pasta, tinapay, manok, onion rings. Kinain ko Greek Salad. Masarap pala ang salad, lalo na't may dressing ito. Nabusog kami, at pag-uwi namin sa bahay, pagod kaming lahat. Ibabalik na namin si Michael sa aking pinsan, nang dumating, at pinapakuha na ang van nang may-ari. Wala kaming nagawa, at ibinigay ang van. Di na kami umalis. Nagkaroon pa nang alitan daw si tiyuhin kong si Dennis, at si tiyuhin kong si Archie, dahil ayaw daw tanggapin ni tiyuhin kong Archie ang pamili ni tatay sa kanya, sabi ni uncle Dennis pag-akyat niya. Umiinom sila ngayon, at narito ako sa loob nang aking silid, kinakausap ka, nagmamadali, at nais nang uminom, parang may oras ang pag-alis nang manga bisita, na mayroon naman, aalis din saglit lang sila dito, at ako naman ay inuubos ko ang oras dito sa harapan nang kompyuter. Masaya naman. Nariyan ka naman.

  Wala akong nakilalang bago na babae kanina, kahit na may nakita akong ilan na nakaakit nang aking atensyon. Maganda sila, naaalala ko pa, maputi. May isa akong naaalala na ale, mayabang siya magsalita, palibhasa may-kaya, kaya niya din ako. Di kami nagkita ni Jane, di kosiya pinuntahan, wala pa siya sa Pampanga nang dumating kami doon. Di ko pa siya tinutugunan sa manga mensahe niya sa akin. Ayaw ko pa. Papalipasin ko muna ang oras, tingnan natin kung hindi siya aalis.

  Matagal kanina dumating si uncle Dennis sa kung saan kami naghihintay sa kanya, sa tabi nang exit nang manga pasahero nang eroplano. Mainit, at matagal kaming naghintay. Pinaliwanag niya namang natraffic siya sa loob nang airport kaya natagalan siya.

  Iinom na ko, payag ka?

Kaibigan mo,
Aaron Lucero

Jan. 29th, 2016

inside

29 Enero 2016 21:05

Kumusta Rona,

 Ako'y nasa mabuting kalagayan. Huwag ka naman sanang magkalat nang tsismis tungkol sa akin. Kaya siguro hindi ako makahanap nang kasintahan, ay dahil maling bagay ng kinakalat mo sa aking pangalan. Mali ang magtsismis, mali. May balita pa ba sa iyo? Wala. Wala na akong narinig mula nang di na tayo maging magkaklase. At masama pa ang naririnig kong tsismis na galing sa iyo. Kung alam ko lang sana ang ugali noon pa man, di na sana kita ginusto. Ano bang nagawa ko, bakit ka galit na galit sa akin? Kunwari ka pa, may gusto ka din naman sa akin. Wala akong gusto sa iyo. Di kita crush. Masyado pa akong bata para magkaroon nang crush noon. Di pa kayang intindihin nang aking isipan. Kaya huwag kang mandiri sa akin. Hindi ako sakit. Kawawa naman ang magiging kasintahan mo. Kung alam niya lang ang ugali mo, siguradong di ka niya pipiliin. Ako, alam ko. Sungit. Siguro ngayong may-edad na tayo nagbago ka na, o masungit ka pa din?

  Wala akong tsismis para sa iyo. Bukas magkikita kami ni Jane, sana. Pupunta siya sa San Fernando bukas, at kami naman sa Clark. Sinagot na nang Diyos ang aking panalangin. Ibibigay ko sa kanya bukas ang librong binili ko para sa kanya. Sana magkaroon kami nang kaunting oras para magsama. Para magkakilanlan. Huwag sana ipagdamot ito sa akin. Mabuti na lang, ang manga babaeng nagugustuhan ko ay hindi mahilig sa tsismis. Napansin ko na nawawala ang gusto ko sa babae kapag nalaman kong tsismosa siya.

  Pumasok ako sa aking manga klase. Natulog ako nang hapon. Wala kaming klase sa CS 351. Umattend ako nang meeting nang Leader's Journey Club. Naroon si Jojit, at ang kanyang kasama. Masayang makaalala, at maalala. Masaya ako kanina, dahil may nakaraan ako. May manga kaibigan na ako noon, kaya masaya. Hindi ako nakalimutan. Kung ako lang ang masusunod, gagawin kong araw-araw ang araw na ito. Dahil ngayong araw lang ako muling nakaramdam nang tunay na saya.

  Magkikita kami bukas ni Jane. Ibibigay ko sa kanya ang nabili kong libro. Sana bigyan ka mi nang oras para magsama. Magpapaiwan ako kung maaari. Maglalakad-lakad kami sa mall, at kakain. Pero kulang kami sa oras. Hindi kami maaaring magsama buong hapon, dahil kailangan umuwi ni tatay, at magpahinga. Sana, kung maaari, uuwi na lang ako mag-isa, at iwanan nila ako nang pera, para ipambayad sa bus na sasakyan ko. Maaari kaya iyon? Pumayag kaya sila? Masyadong mapangahas. Gusto ko. Sana magustuhan din nila, pero malamang ay hindi.

  Wala na namang klase sa CS 351. 20 minuto akong naghintay kasama ang aking manga kaklase sa labas nang silid 102. Hindi dumating ang aming propesor. Nakakapagod. Ano pa bang magagawa ko, kundi maghintay. Wala naman nagrereport sa Dean na walang propesor na umattend nang klase. Kaya lalong nakakapagod. Bukas ang nakatandang uwi ni tatay. Pupunta kami sa Clark para sunduin siya. Magkikita din kami ni Jane. Hindi kaya abala? Malamang abala, pero opportunity ito na bigay nang Panginoon, naniniwala ako, hindi ko dapat palampasin.

  Salamat at pinakinggan nang Panginoon ang aking panalangin.

Kaibigan mo,
Aaron Lucero

Previous 10